DWAYNE'S P.O.V "Ano ba, Dwayne! Nasa tapat ka ng Diyos, tapos kung saan-saan naman gumagapang yang kamay mo. Makinig ka nga kay Father!" iritableng sabi niya habang masama ang tingin sa akin. Hindi ko maiwasang matawa dahil kung anong ekspresyon niya noong nagsisimula pa lang kami, 'yun pa rin ang ekspresyon niya hanggang ngayon. "Are you fighting again? At sa simbahan pa? Seriously, Mom and Dad!" walang emosyong sabi ng panganay ko na kakabalik lang galing sa banyo. May binata na ako. Ang bilis nilang lumaki. "Iyang tatay mo ang pagalitan mo. Ang kulit-kulit!" nakabusangot na sabi ni Allison. "Behave si Daddy, anak," kunwari'y pakiusap ko, inaasahan kong kakampihan niya ako, pero dumistansya pa siya sa akin. "Alam ko ang ugali mo, Dad. Nasa loob ka nga ng simbahan, nagsisinungaling ka pa," seryosong sabi ng anak ko. Aba't lokong batang 'to! Lumaki lang nang konti, marunong nang mangatwiran. Hindi na lang ako umimik at napapakamot na ibinalik ang atensyon sa pakikinig sa sermon
Read More