ALLISON P.O.V Pinilit kong bumangon nang maaga dahil ngayon ang kaarawan ng mga anak ko- Si Drake na hawak ko pa, at si Alliah na kasama na ng ating Mahal na Diyos. Malungkot kong pinakatitigan ang anak ko, siguro'y kung nabuhay lang si Alliah, may kalaro na sana siya ngayon. Bumuntong-hininga na lamang ako't tiningnan ang picture sa tabi ng higaan ko. Litrato iyon na kuha pagkapanganak ko, kung saan karga ko si Drake sa kanan at si Alliah naman sa kaliwa, kung saan wala na siyang buhay. I miss my angel... Tahimik akong bumangon at iwinaglit ang masasakit na ala-ala ng nakaraan. Pumunta ako ng kusina at inilabas ang mga lulutuin ko. Wala naman kaming masiyadong bisita, kami-kami lang namang pamilya at iilang bata na nakatira rito sa subdivision. Magluluto lamang ako ng spaghetti, Pancit bihon, Carbonara, Fried Chicken, Hotdog na itutuhog kasama ang marshmallow, mga kakanin at puto. Simpleng handaan lamang, maitawid lang ang birthday ni Drake. "Saan ang punta, Angelito?" tanong ko
Last Updated : 2025-12-28 Read more