ALLISON P.O.V. Paglabas namin ng ospital, isang magandang balita ang natanggap ko galing kay Ninong. Nakakuha sila ng impormasyon kung saan nagtatago si Tito Lucio. Kung sino man ang nagbigay nito, ay dapat kaming magpasalamat. "Dwayne, nakakuha ng tip si Ninong kung nasaan si Tito Lucio," seryosong sabi ko. Nagmamaneho siya ng sasakyan pauwi. "Saan daw?" interesadong tanong niya, kaya biglang tumaas ang kilay ko. "Bakit? Susugod ka na naman doon? Hindi ka pa nadadala sa balang bumaon diyan sa dibdib mo," masungit na sabi ko, ngunit agad naman niyang tinawanan. "Nagtatanong lang ako. Makasermon naman 'to, akala mo'y namatay ako," natatawang sabi niya, pero mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. "Nasa Cabuyao, Laguna daw. Nagtatago sa isang abandonadong mansyon na pagmamay-ari niya noon," walang-ganang sabi ko. "Sana mahuli na ang matandang iyon," nakatiim-bagang na sabi niya. Bumuntong-hininga ako. Sana nga. "Nagpadala na raw ng mga pulis si Ninong para kumpirmahin kung t
Baca selengkapnya