ALLISON P.O.V "Bukas na ang engagement party ng ate mo, pupunta kaba?" Nilingon ko si Mom, abala ito sa pag-aalaga kay Drake. Kakauwi ko lang kasi galing sa trabaho. Hindi ko rin ipinahalatang nagulat ako, kahit ang totoo'y nagulat akong bukas na agad. Parang kailan lang noong nasabi iyon ni Tito Lucio sa hospital. "Ayoko sana, Mom. Kaso invited nga pala tayo, hehe." Tumawa ako ng pagak, maging kumportable lamang ang paligid, kahit ang totoo'y naiiyak na ako. "Nakausap ko ang Tito Lucio mo, tungkol sa ate mo, muntikan pa kaming magtalo. Palagi na lang siyang nasusunod, pati kasiyahan ng iba ay isasangkalan niya para lamang sa pera." Gustuhin ko mang sumagot ay hinayaan ko na lamang siyang magsalita, dahil bago pa niya sakin sabihin ay alam ko na ang lahat."Hayaan niyo na Mom. Mukha namang pabor si Ate Cassandra, mukha namang patay na patay siya kay Dwayne," Walang ganang sabi ko. "Kawawa naman iyong binata, ayaw naman sa kanya." Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. "May susuot
Terakhir Diperbarui : 2026-01-27 Baca selengkapnya