Inayos ko ang aking sarili sa harap ng salamin at saka kinuha ang suklay na nasa gilid lamang ng bag ko at mabilis na itinali ko ang nakalugay kong buhok bago pa bumukas ang elevator.Naisipan kong mag tungo sa ospital para bisitahin sila Inay, tutal naman si Boss L na ang nag sabi na umuwi na ako at hindi ko kailangan mag punta ng opisina ngayong araw dahil wala naman ito doon.Nag jeep na lang ako para makatipid. Sayang din ang ilang daang piso kung ipangta- taxi ko lang, wala naman akong hinahabol na oras.Nakarating ako ng maayos sa ospital. Excited na pinuntahan ko sila Inay. Pag akyat ko ay agad akong hinarang ng staff Nurse para kausapin.“Ma’am, kailangan daw po kayong personal na makausap ni Doc sa free time nyo po, nasa convention lang po kasi sya ngayon, by next week po ang uwi nya.” Imporma sa akin ng Nurse.“May problema ba?” Nagtatakang tanong ko dito. Kasi tuloy tuloy naman ang treatments kay Inay, hindi ito napapabayaan sa pangangailangan nito lalo na pag dating sa usa
Read more