“Hmm sa una’y nagalit at nag damdam ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bata pa kasi ako noon Boss L... Ngunit nang unti unti ay maayos ko ang dapat ayusin ng walang tulong ng iba, natutunan ko na din na tanggapin ang sitwasyon ko at patawarin ang kuya. Siguro nga ay hirap ako ngayon ngunit hindi ko din naman alam ang hirap na ngayon ay dinadanas nya sa loob lalo at hindi na kami nakaka dalaw sa kanya.” Sagot nito.“Hindi ka nag tanim ng sama ng loob?” Tanong ko pang muli.“Akala nyo po ba kayong mayayaman lang ang may problema sa mundo? Eh buti pa nga kayo, madalas kaya nyo paikutin ang mundo gamit ang pera nyo. Samantalang kaming mahihirap - kami pa ang madalas na napapaikot ng pera. Sama ng loob? Boss L, sa dami ng kailangan kong isipin at ayusin, wala nang espasyo pa na mag tanim ako ng sama ng loob para sa kuya ko. Hindi din naman nya gusto ang nangyari. Matagal ko na syang napatawad ang hinihiling ko na lang na sana ay makalabas na din ito ng kulungan.” Puno ng sinse
Magbasa pa