“Ma’am? M-malamig po?” Nagtatakang tanong nito sa akin na sinipat sipat pa ang tasang walang bakas na nainuman na ito.“Ah?” Hindi ko alam ang isasagot ko.“Malamig po? Kape?” Tanong muli nito at saka nilapitan ang de kuryenteng pakuluan ng tubig at dinama ng palad nito kung mainit iyon.“A-ano kasi antok pa ako. Akala ko kumulo na kaya nilagay ko na sa itinitimpla ko. H-Hindi pa pala.” Ngumiti ako dito at nag dasal na sana’y paniwalaan na lamang ni Lyn ang isinagot ko.“Ay ganon po ba? Sige Madam, alam ko pong pagod naman kayo sa trabaho. Ayusin ko lang po si Mike tapos bababa na kaagad ako para ipaghanda kayo ng makakain.” Nakangiting sagot nito sa akin.“Ay wag na Lyn, magpahinga ka na lang din pagkatapos mo ayusin si Mike. Pagod ka din ngayon.” Sagot ko dito.“Sigurado po ba kayo?” Tanong nito sa akin.Tumango ako at nginitian ito bilang pag kumpirma sa tanong nito sa akin.“Ay nako Ma’am, sobrang enjoy po nito ni Bunso!” Pag iiba nito ng usapan na balita nito sa akin. Lumapit ito
اقرأ المزيد