Hindi ako sumagot. Nag iisip ako kung ano ba ang dapat gawin. Kung papayag ba ako o hindi.“L-Lee... P-Promise, hindi na kita guguluhin pa kapag nakipag kita ka na sa akin.” Dugtong pa nito.“Alright. 8 in the evening tomorrow at Jayra’s coffee shop in Alabang.” Matabang na pagpayag na sagot ko dito.“T-Thank you S-Sweet...” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito dahil agad na ibinaba ko na ang tawag.“Sh*t!” Hindi ko napigilan na mura at pabagsak na isinandal ang likod ko sa aking swivel chair at saka hinayaan ang sariling malugmok doon.Walang ganang tumayo na ako sa aking trono at dere deretso na akong naglakad palabas ng opisina. Hindi ko pinansin ang sekretarya ko, walang lingon at paalam na nilagpasan ko lamang ito at saka sumakay ng elevator.Ilang araw nang malamig ang pakikitungo ko sa dalaga. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, para bang litong lito ako sa sitwasyon na mayroon ako ngayon. Nag desisyon akong dumaretso sa bar na paborito namin ni Kent ngunit hindi ko
Read more