“Ah eh, ang sabi ko, tama iho na kausapin mo ang mga taong nakapanakit sa iyo noon. Siguro, kapag nakausap mo na sila at nagkaroon ka ng kasagutan ay maliliwanagan ka na sa tunay mong nararamdaman patungkol sa iyong sekretarya. Iho, bata pa ang dalagang iyon. Tandaan mo, marami pang lalaki ang pwedeng dumaan sa buhay nya lalo at maganda sya. Kaya paspasan mo at baka mamaya kung kailan alam mo nang ‘mahal’ mo sya at hindi mo sya kayang ‘mawala’ sa buhay mo ay maunahan ka na ng iba.” Makahulugang sabi ng matanda sa akin.“Hindi tayo nabubuhay sa poot at galit... Kadalasan ang ‘Pagpapatawad’ ang sagot upang mas lalo kang maka-angat hindi lang sa antas ng iyong buhay pati na din sa iyong pagka tao at pagiging ‘maka-tao’.” Dugtong na pahayag pa nito sa akin.“N-Naguguluhan po ako...” Sagot ko sa matanda habang naka kunot ang noo ko.“Ay nako Iho, ika’y malilinawan din kapag naayos mo na ang dapat mong ayusin lalo at patungkol sa iyong sarili... Sa iyong pagka tao. Basta tandaan mo, narito
Read more