“Itay, kaya ni Inay yan... Huwag po na muna tayo mag isip ng kung ano ano. Ano po ba ang nangyari kanina?” Nag aalalang usisa ko sa Itay.“Bigla na lamang na tumunog ang monitor na nakakabit sa Inay mo, tapos ang daming Nurse at Doctor ang nag punta dito... Pinalabas na muna nila ako anak... Takot na takot ako... Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko kanina at magpa hanggang ngayon... Nakapasok lang ako nang maiayos na nila ang Inay mo. Ngunit ang ipinag tataka ko ay kanina pa hindi gumigising ang iyong Inay...” Umiiyak na kwento nito sa akin.Hindi ko napigilan ang umiyak. Kailangan makausap ko si Doctor Bautista para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari kanina.ILANG Oras na ang nakalilipas...Hindi ako nakatulog dahil okupado ng isipan ko ang kalagayan ni Inay at ang walang modo kong Boss.“Ma’am, magandang umaga po! Kukuha lang po ako vital signs.” Bungad ng Nurse na pumasok mula sa pinto.Nasa Dining area ako at nakatitig lamang sa mag asawang magka hawak kamay
Read more