Nahihiya man ako sa ganitong klaseng paksa sa pagitan namin ni Kent ay isinantabi ko na lamang ang aking nararamdaman lalo at malaki na ang utang na loob ko sa Doctor.“Hmm, paano ko ba sisimulan? Ahm... Nagising akong katabi sya...” Ikinwento ko ang buod ng pangyayari sa pagitan namin ng Boss ko kaninang madaling araw ng walang labis at walang kulang lalo na sa parte kung saan ko naramdaman ang pag sakit at pag hilab ng aking tyan.Tahimik ito at walang reaksyon habang isinasalaysay ko ang buong pangyayari.“A-Ayun...” Naiilang na sabi ko dito.“Well… Hmm… Kia, you have to refrain from lovemaking for the time being as per your gynecologist’s instructions. At dahil isa din akong Doctor, I’m asking you to follow this advice.” Walang pang huhusga at propesyonal na sabi nito sa akin.“Okay po Doc.” Nagi-guilty na sagot ko dito.“Ah baka makalimutan ko, binili ko na din yung mga vitamins na kailangan mo para dyan sa pag bubuntis mo.” Sabi nito sa akin sabay abot ng naka paper bag na mga g
Read more