Halos hindi na ako makahinga, ramdam ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko habang naguguluhan sa aking mga nakikita ngayon sa buong paligid.Sa gitna ng malawak, may kadiliman, at kinakalawang na shipyard, malinaw kong nakikita ang bulto ng asawa kong si Thor. Nakatayo siya sa gitna ng semento, ang kanyang mga kamay ay nakataas sa ere bilang tanda ng pagsuko. Sa paligid niya, may apat na armadong lalaki na nakatutok ang mga baril sa kanya—mga tauhan ni Sofia na mukhang mga upahang mamamatay-tao dahil sa naglalakihang tattoo sa kanilang mga braso at sa malamig at walang emosyon nilang mga tingin. At sa unahan nila, sa itaas ng isang mataas na platform ng barko, doon nakatayo si Sofia.Si Sofia na tila tuluyan nang nawala sa katinuan. Ang buhok niya ay magulo at sumasabay sa hampas ng malakas na hangin ng dagat, at ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa galit at kasabay niyon ay umiiyak siya habang nakatitig sa asawa ko. Pero ang mas nagpabagsak ng buong sistema ko ay ang katabi niya
Magbasa pa