Tahimik ang loob ng Pediatric ICU. Ang tanging maririnig ay ang rhythmic na tunog ng monitor na nagbabantay sa bawat paghinga ni Astria. Nakaupo ako sa tabi ng kama niya, mahigpit na hawak ang kanyang maliit na kamay. Mukha siyang mahimbing na natutulog, pero ang mga tubong nakakabit sa kanya ay paalala ng impyernong pinagdaanan namin kanina. Bawat kurap ko, naaalala ko ang tagpong halos lamunin na siya ng malakas na ulan."Astrid, kailangan mong magpalit," mahinang sabi ni Khalil sa likuran ko. "Basang-basa ka pa rin. Magkakasakit ka niyan, hindi mo mababantayan si Astria nang maayos kung pati ikaw ay bibigay."Nanigas ako.Tumingin ako sa sarili ko. Ang gown ko ay nanlilagkit na sa tuyong tubig-ulan at putik. Ang laylayan nito ay punit-punit na, tanda ng pakikipagbuno ko sa tadhana mailayo lang ang anak ko sa kapahamakan. Tumango ako nang bahagya. "Salamat, Khalil. Parang nawalan na ako ng pakiramdam sa katawan." Sabi ko. Nanatiling nakatingin sa munting anghel na payapa na ngayon s
Read more