Habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay nina Gelo, tinitignan ko ang bawat sulok ng bakuran. Matagal kaming nagkasama ni Divine. Sa loob ng limang taon, siya ang naging takbuhan ko sa bawat hikbi at bawat takot. Pero alam ko, gaya ng lahat ng kwento, may hangganan din ang yugtong ito ng pagsasama namin. Ngayon, pareho na kaming gagawa ng sarili naming pamilya—siya kay Gelo, at ako... sa wakas, kay Thor. Pagpasok namin, naabutan ko ang mga magulang ni Gelo na nakaupo sa sala. Lumapit ako sa kanila, dala ang bigat sa aking dibdib pero puno ng pasasalamat. "Nay, Tay... maraming salamat po," panimula ko, pilit na pinipigilan ang muling pag-apaw ng luha. "Salamat po dahil hinayaan niyo kaming manatili rito ni Astria. Hindi niyo po kami itinuring na ibang tao." "Walang anuman, Astrid," malambing na sagot ng nanay ni Gelo habang hinahawakan ang aking kamay. "Alam naming mabuti kang bata. Ang mahalaga, maayos na ang lahat sa inyo ng asawa mo." "Opo... babalik na po kami sa panganga
더 보기