Nagkatinginan kami ni Thor at sabay na ngumiti. Sa kabila ng hapdi ng pamamaalam, masaya akong iiwan si Divine sa piling ni Gelo; alam ko sa kaibuturan ng puso ko na ang binata lamang ang makakapag-pasaya nang tunay sa aking kaibigan. Napasulyap ako sa aking kamay nang bigla itong hawakan nang mahigpit ni Thor. Diretso pa rin ang kanyang tingin sa kalsada, ngunit ang init ng kanyang palad ay tila nagsasabing hindi na niya ako muling bibitawan. “Papa, pupunta na ba tayo sa bago nating bahay?” masayang tanong ni Astria mula sa likuran. “Yes, baby! Uuwi na tayo sa ating malaking bahay!” sagot ni Thor, bago sumulyap sa rear-view mirror para makita ang kumikinang na mga mata ng aming anak. “Malaki, Papa? Gaya n’un?” Itinuro ni Astria ang isang marangyang mansyong nadaanan namin. “Mas malaki pa diyan, anak, ang bahay natin,” may pagmamalaking sabi ni Thor. Napahagikgik at napatili sa tuwa si Astria, habang ako naman ay hindi mapigilang mamasa ang mga mata. Mabuti na lang at tinanggap n
Magbasa pa