Athisa's POV"Sweetheart! Teka... umiyak ka ba? What happened?" Mabilis na tumayo si Mom nang makita niya akong papasok ng dining table, sinalubong niya ako at agad na hinawakan ang mga kamay ko para alalayan ako.Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakaupo na si Dad sa tabi ng upuan ni Mom, seryoso ang ekspresyon niya habang nakatitig sa amin. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang nanlilisik na mga mata ni Celine, nakaupo siya sa pinaka dulo ng table, katabi ng upuan ni Mom dahil nasa gitna siya. Hindi ko pinansin ang mga titig niya dahil wala naman na itong epekto sa akin. Kairon and I are officially married, kahit na sa papel lang iyon, legal ang aming kasal.Kahit manlisik pa ang mga mata niya dyan sa pagdedelusyon na siya ang fiancee ni Kairon, ngayon, sa mata ng batas, kabit na siya. Delusyonadang kabit!Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin at hinarap ko si Mom.Pinilit kong ngumiti at marahang umiling, "No, Mom... Nakatulog po ako, kagigising ko lang..." Kaswal kong sabi
Read more