Ahtisa's POV "Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas..." Bungad sa akin ng isa aming kasambahay ng makababa ako ng hagdanan. Nangunot ang aking noong hinarap ko siya.I'm not expecting any visitors today."Sino raw?" Tanong ko at humakbang papunta sa pintuan para tingnan kung sino ito.Sinundan ako ng kasambahay, "A-ang m-madrastsa mo po at ang anak nito..." Nauutal na sabi niya.Ilang buwan ko na silang hindi nakikita, ano'ng ginagawa nila ngayon dito?Paglabas namin ng mansion ay dumiretso ako sa gate para harapin sila. "Open the gate," utos ko sa gwardiya na agad nitong takot na sinunod.Pagbukas ng gate ay bumungad sa akin ang aking stepmother at stepsister, sobrang dungis ng mga damit nila, magulo ang buhok, at nakakaawa ang mga hitsura. Muntik ko nang hindi sila makilala dahil sa dumi ng mga mukha nila, para na silang mga pulubi.Hindi ko napigilan ang sarili kong maawa sa kanila."A-Ahtisa, please, nagmamakaawa kami ni Mama! Tulungan mo kami!" Umiiyak na sabi ni Aliyah nang
Last Updated : 2025-10-25 Read more