Ahtisa's POV "Baby, where's Yaya?" Malambing kong tanong sa anak ko."Ma'am, nandito po ako," sagot ni Mary sa kabilang linya, mukhang katabi lang siya ni Fran."Mary, mamaya pa ako makakauwi. Pakainin mo muna si Francess, tapos paglaruin mo siya pagkatapos at patulugin." Utos ko kay Mary."Mommy, why are you speaking Filipino? Francess can't understand you!" Reklamo ng anak ko na ikinatawa ko."Baby, Mommy has work so Francess will play with Yaya for now, okay? Mommy will be back before dinner. I'll buy you new toys!" Masayang sabi ko. Narinig ko ang pagtili niya."Yeyy! Okay, Mommy! Francess will wait, I love you, Mommy!" Tuwang-tuwa niyang sabi. Parang kinurot ang puso ko ng marinig ang tawa niya.Lahat ay gagawin ko para sa iyon, Anak."I love you—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay napatalon ako sa gulat ng biglang bumukas ang pintuan.Kitang-kita ko ang madilim na ekspresyon ni Kairon. Nanlaki ang mga mata ko.Mabilis kong pinutol ang tawag at hinarap siya."Kanina ka pa b
Read more