Ahtisa's POV Napanguso ako ng maunang lumabas si Kairon buhat-buhat ang anak namin. Pero kahit na gano'n ay may kung anong ginhawa na ang dibdib ko, lalo na nakikita ko kung paano ngumiti ang anak ko habang masayang nagkukwento sa Daddy niya. Sinundan ko sila, iniwan ko nalang ang stroller ni Francess sa opisina dahil buhat naman siya ni Kairon, bubuhatin ko nalang siya mamaya. Nang makarating kami sa lobby ay kitang-kita ko ang titig ng lahat lalo na ng marinig nilang tawagin ni Francess si Kairon ng Daddy, habang ang iba naman ay agad akong nakilala. At kahit wala silang sinasabi, kitang-kita ko sa mga mata nila ang pagkamangha, habang ang iba naman ay parang hindi makapaniwala. Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman akong kailangan sabihin sa kanila kaya hindi ko kailangan mag-explain, after all, I'm still their boss. "Mommy, faster!" Sigaw ng anak ko nang makita niyang nahuhuli ako sa kanila ng Daddy niya. Bahagya akong natawa nang kumaway siya sa akin para pabili
Read more