Ahtisa's POV "The test results are out, Mr. Watson. It's positive, you're the father of the twins. But, Sir, mahina po ang kapit ng kambal. Dinugo po si Misis dahil sa stress, kung mangyayari pa po ulit ito, hindi na po tayo makakasigurado sa kondisyon ng kambal... Sa ngayon ay nabigyan na namin siya ng pampakapit. Kailangan niya po ng matinding pahinga, bawal po siya mastress dahil makakaapekto ito sa pagbubuntis niya. Lalo na ngayon, mag-aapat na buwan na siya pero maselan pa rin siya. Mas kailangan niya ngayon ng pahinga." Nagising ako nang marinig ko ang boses ng babaeng nagsasalita. Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya pero bago ko pa man intindihin iyon ay agad kong inisip ang nangyari kanina. Nawalan ako ng malay at... ang mga baby ko! Kahit nanghihina ay agad akong napabangon, minulat ko ang mga mata ko at agad kong inalis ang kumot na nakabalot sa akin. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko. "Ma'am!" Mabilis akong nilalitan ng nurse, hinawakan niya ang mga kamay
Read more