Ahtisa's POV "You're right, they're not yours. Ngayon, makakaalis ka na!" Sambit ko sa kaniya na ikina-igting ng kaniyang panga. "S-Sir, bawal pong mastress si Ma'am... Lumabas po muna kayo..." Nauutal na sabi ng Nurse sa tabi ko kaya sinulyapan siya ni Kairon. Matalim niyang tinitigan ito kaya napayuko ang Nurse sa tabi ko. Binalik ni Kairon ang tingin niya sa akin pero agad niya rin iyong pinutol nang talikuran niya ako. Naglakad siya patungo aa pintuan bago niya ito buksan at umalis. Parang kumirot ang dibdib ko nang makitang umalis nga siya. Mabilis na nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko pero nilakasan ko ang loob ko. Kung sa tingin niya ay niloloko ko siya, mas mabuti nang maghiwalay nalang kaming dalawa. Nangingilid ang mga luhang hinarap ko ulit ang Nurse. "Nurse, pwede na ba akong madischarge?" Tanong ko sa kaniya na ikinatango nito. "Yes po, Ma'am. Settled na po ang bills niyo pero kaya niyo na po ba?" Nag-aalalang tanong niya na marahan kong ikinatango. ____
Read more