GISELLE “Manong, please pakibilisan po,” sabi ko sa taxi driver. Umuulan sa labas at medyo nag uumpisa na ang trapik pero gusto ko na talagang makapunta kay Jake.Gusto ko na talagang malaman niya na buhay kami ng baby namin at malaman niya kung gaano kasama sila Belle.Nasa tabi ko ang pinsan ko na si Annie na medyo nag-aalala, “Sandali, ayaw mo ba talaga na sa police muna tayo dumiretso? Parang mas okay kasi na mag pagawa ka ng statement saka para pa rin mapablotter na ang mga dumukot sa’yo.”Umiling naman ako, “Hindi, madali ng magsumbong sa police basta kasama ko na si Jake, siya na ang bahala doon. Isa pa ay hindi natin sigurado kung kakampi nila Belle yung mga pulis na maabutan natin, baka pareho patayo patayin ng tuluyan.”Napatango si Annie saka tumingin sa bintana, “Eh bakit hindi tayo sa opisina niya pumunta? Ano itong lugar na ‘to?”Sumulyap rin ako sa labas saka napangiti, “Sa penthouse tayo ni Jake pupunta, alam ko kasi yung passcode roon. Safe tayo ay kaming dalawa
Read more