GISELLEPagkapasok ko sa loob ng simbahan, parang bigla na lang lumubog ang sahig sa ilalim ng paa ko. Umikot ang paningin ko, sumakit ang ulo ko, at parang nanlambot ang tuhod ko. Ang lamig ng hangin sa loob, pero ang buong katawan ko ay nanginginig sa kabog ng puso ko.“Diyos ko…” mahina kong bulong, sabay hawak sa dingding para hindi ako tuluyang bumagsak.Muntik na talaga akong matumba. Ang pakiramdam ko, isang tulak na lang, babagsak na ako sa sahig at hindi na makakatayo.“Miss?” may tumawag sa akin mula sa gilid. “Miss, okay ka lang ba?”Narinig ko ang mabilis na yabag ng sapatos. Ilang segundo lang, may kamay na pumigil sa pag-ikot ng katawan ko. May humawak sa braso ko—hindi marahas, hindi masakit, hindi nakakatakot. Maingat. Magalang.“Miss, teka lang… dahan-dahan. Huwag mong pilitin tumayo,” sabi ng isang malumanay na boses.Tumayo siya sa harap ko. Medyo blurred pa ang paningin ko pero kita ko ang mahabang puting soutane, at simpleng krus sa dibdib.Isang pari.“Father…” b
آخر تحديث : 2025-11-29 اقرأ المزيد