GISELLEHindi ko alam kung bakit pero parang may nagbubulong sa akin na aminin ang lahat kay Sir Troy, dahil mukha naman itong mapagkakatiwalaan kaya naman mula sa una na na nagkaroon kami ng one night stand ni Jake hanggang sa pagbubuntis, pagtatrabaho ko sa kanya, pagdukot, pagtakas at pagkahuli ko kay Sir Jake at kasama ng ibang babae ay nasabi ko.Nanatiling seryoso ang mukha ni Sir Troy na para bang hindi makapaniwala pero isinusulat niya ang bawat sinasabi ko na para bang imbestigador.“Ibig mong sabihin ay hindi alam ni Jake na buhay ka?” tanong nito.Tumango ako, “Opo, at gusto ko sanang hindi na niya malaman pa.”Ibinaba ni Sir Troy ang hawak na ballpen saka nakailing. Tinignan ako nito ng seryoso, “Nakilala mo ba kung sino ang dumukot sa’yo?”Bago ako nasagot ay tumunog ang cellphone ni Sir Troy kaya nag excuse ito at tumayo saka pumunta sa may bintana para sagutin ang tawag.Ako naman ay nilibot ang mata sa opisina ng mapatingin sa ilang dokumento, may nakadikit na picture
อ่านเพิ่มเติม