BelleHabang yakap ko si Jake, lihim akong natatawa. Ang galing ko talaga! Gumana yung plano ko. All according to plan. Wala silang kaalam-alam na ako yung nagpanggap na si Giselle. Ako yung sumaksak kay Madam Elena. Ako yung nakita sa CCTV.Finally, nakamit ko na yung tagumpay na matagal ko nang pinapangarap. Sa akin na si Jake ngayon!Lahat na ay galit kay Giselle. Si Jake, si Madam Elena, si Gary, yung mga pulis, yung mga katulong, lahat-lahat. Wala nang nagmamahal sa kanya. Wala nang naniniwala sa kanya.Lalo kapag inilabas na sa media yung kasi niya. Attempted murder. Pag nakulong siya, goodbye na sa kanya. Wala na siyang kawala.Kaya kung nasaan man si Giselle ngayon, bilang na ang mga araw niya. Malapit na siyang mahuli. Malapit na siyang magdusa. Malapit na siyang mamatay."Belle, thank you," sabi ni Jake. "Thank you for being here for me.""Anything for you, Jake," sabi ko. "Mahal kita eh.""Alam niyo, Sir, Ma'am," sabi ni Mang Kanor, yung driver ni Madam Elena. "Mag gagabi n
Last Updated : 2025-12-29 Read more