LydiaKinabukasan, maaga pa lang ay nagsimula na ang routine namin sa mansion. Hawak ko ang basahan habang si Agnes naman ay dala ang vacuum cleaner. Pero habang nagpupunas ako ng mga muwebles sa hallway, hindi maalis ang paningin ko kay Ma’am Belle. Nakayuko siya malapit sa carpet, doon mismo sa pwesto kung saan sinaksak si Perla. Ang gulo ng buhok niya at parang hindi siya nakatulog nang maayos."Ma’am Belle?" tawag ko habang dahan-dahang lumalapit.Mabilis siyang napaigtad, parang nakuryente sa gulat. Agad siyang tumayo nang tuwid at inayos ang kanyang suot na robe. "O, Lydia. Bakit andiyan ka na agad?""Maglilinis na po sana ako rito sa hallway, Ma’am. Napansin ko lang po kasi na parang may hinahanap kayo. Baka po makatulong ako? Ano po ba 'yung nawawala para maisabay ko na sa pagwawalis?" tanong ko habang pinagmamasdan ang bawat reaksyon sa mukha niya."Wala. Wala akong hinahanap. May tiningnan lang ako kung malinis na ba 'tong carpet bago ang mga bisita mamaya," sagot niya nang
最終更新日 : 2026-01-01 続きを読む