BelleAlam ko na kailangan kong maging maingat. Masyado nang matalas ang pakiramdam ni Madam Elena, at hindi pwedeng habambuhay ay ako lang ang gumagawa ng maruming trabaho. Kailangan kong maipakita sa kanilang lahat na biktima rin ako—na natatakot din ako kay Giselle.Para mawala ang anumang duda, kailangan kong gumawa ng isang eksena na hinding-hindi nila malilimutan. Isang eksena na magpapatunay na si Giselle ay buhay, galit, at nasa labas lang, habang ako ay nananatiling inosente sa tabi ni Jake.Kaya naman, bago ang libing ni Julio, nagbayad ako ng isang babaeng gipit sa pera. Binigyan ko siya ng malaking halaga at ang silicone mask na kamukha ni Giselle. Ang utos ko sa kanya ay simple lang: tumayo sa malayo, magpakita nang sandali, magpaputok ng baril sa langit, at tumakbo palayo sa direksyon na sinabi ko kung saan walang CCTV at madaling magtago.Dumating ang araw ng libing. Maaliwalas ang panahon pero ang atmosphere sa sementeryo ay parang laging may dulo ng bagyo. Nakasuot ak
Read more