That summer, nagbitiw ako ng pangako sa sarili ko. Hindi na ako babalik sa mansyon. At tinupad ko iyon. Sa unang linggo, ilang beses akong tinanong ni Nanay kung sigurado na ba ako. Paulit-ulit, halos araw-araw, habang naghahanda siya ng agahan. “Anak, hindi ka ba malulungkot?” tanong niya habang hinahalo ang ginisang ampalaya, amoy na agad kumapit sa hangin. Ngumiti ako nang kaunti. “Kaya ko naman po.” Si Tatay, nakaupo sa bangkito sa gilid ng kusina, minamantika ang kalawang sa luma niyang gunting. Walang sabi-sabi, tumingin siya saglit sa akin, saka tumango. Wala nang tanong. Wala ring pilit. Para bang alam na nila ang hindi ko kayang sabihin nang diretsahan. Pinayagan nila akong huminga. At ibang-iba ang hininga sa baryo. Pagmulat ko sa umaga, malamig na semento agad ang sumasalubong sa mga paa ko. Walang aircon, walang polidong sahig. Simple lang. Ang amoy suka at bawang mula sa kusina, mahinang tilamsik ng mantika sa kawali, at boses ng kapitbahay na bumabati ng “Maganda
최신 업데이트 : 2025-08-30 더 보기