By the time I got to the office, maaga pa rin ako. Tahimik pa ang paligid, at tanging tunog ng printer at pagbukas-sara ng mga drawers sa kabilang cubicle ang maririnig.Pag-upo ko sa desk, napansin ko agad ang reflection ko sa black screen ng monitor—still smiling. Napailing ako. “Get it together, Aya,” bulong ko sa sarili.Maya-maya pa ay dumating na sina Mira at Janus.“Uy, early bird,” bati ni Janus habang inaabot ang kape niya. “Ang aga mo ah. Nagbago na ang ihip ng hangin?”“Hindi naman,” sabi ko, pero ramdam ko ang init ng pisngi ko.“Hindi naman daw,” sabat ni Mira, halatang nakangisi. “Kahapon din ’to eh, nag-o-office overtime daw. Pero ‘yung ngiti, overtime din.”Natawa si Janus. “In love ‘yan, obvious na obvious. Spill na, Aya. Sino ang nagpapakilig sa’yo?”“Wala,” mabilis kong sagot, sabay inom ng kape. “Kape lang ‘to. Nagkataon lang na masarap ‘yung timpla.”“Sure,” sabay sabi nilang dalawa, sabay tawa.Napatakip ako ng mukha, at natawa rin pero pilit pinapakalma ang sar
Terakhir Diperbarui : 2025-10-13 Baca selengkapnya