Ang tagumpay ni Amaraiah “Aya” Reyes bilang Senior Marketing Manager ng Madriaga Enterprises ay patunay ng kanyang husay at sipag. This is what the public sees—her confident smile, her flawless image. Pero sa likod ng lahat ng iyon, she carries a secret that could change everything. She is secretly married to the company’s CEO, Zedrick “Zed” Madriaga—ang lalaking unang niya minahal. It was a marriage born from complicated circumstances, isang kasunduang parehong nagbubuklod at naglalayo sa kanila. Through the years, Aya learned to play the role expected of her—prim, proper, and untouchable—kahit kapalit nito ang tunay niyang damdamin. But now, Zed wants more than shadows and silence. Gusto niyang mabuhay sa mundong hindi nila kailangang itago ang isa’t isa. With Aya’s rising success drawing public attention—at may mga taong handang ilantad ang katotohanan—she must decide: will she keep living the perfect lie, o ipaglalaban na rin niya ang totoong siya… kahit ang kapalit nito ay lahat ng meron siya?
Lihat lebih banyakNasa isang kubo kami malapit sa bahay ng isa naming kaibigan, si Jessa. Tanaw mula rito ang malawak na kapatagan. Hindi ko naman talaga balak sumama, pero matagal nang nag-aaya ang mga kaibigan ko para sa isang outing bago magsimula ulit ang klase.
“Sige na sumama ka na, Aya,” sabi ni Lani habang nagbabalot ng pagkain sa mesa namin kanina. “Kami na bahala magpaalam sa nanay mo,” dagdag pa ni Jessa. "Oo nga!" Magkasabay na sabi ni Mira at Lani. “Wala namang problema kina Nanay at Tatay,” sagot ko, nakangiti. “Meron kasing pagdiriwang sa mansyon ngayong weekend. Susubukan kong magpaalam mamaya.” Pagdating ko sa kusina ng mansyon, nadatnan ko si Nanay na abala sa paghahanda ng meryenda para sa mga bisita. “Nay,” tawag ko, medyo mahina ang boses. “Ano ‘yon, anak?” “Nag-aya sila Lani na baka po pwedeng mag-outing kami bago magpasukan. Diyan lang po sa malapit na talon sa kabilang bayan,” sabi ko, sinusubukang magmukhang inosente. “Kailan ‘yan?” tanong niya habang nakatingin sa tray ng mga baso. “Bukas po.” Tumango siya. “Hmm… okay lang sa akin basta pumayag ang Tatay mo. Mag-ingat ka ha, at huwag masyadong lalayo sa malalim. Tsaka… huwag kang masyadong magpapatangay sa agos.” “Opo, Nay.” “I heard you’re going somewhere?” Napalingon ako. Si Sofia, nakatayo sa may pinto ng kusina, halatang narinig lahat. “Uh… outing lang with friends,” sagot ko, pilit na ngumiti. Sofia smirked. “Nice. Then Kuya Zed can be our chaperone. Right, Kuya?” Nanlaki ang mata ko. Paano naging ‘our’ bigla? Mula sa likod niya, lumabas si Zed, naka-gray shirt at dark shorts, expressionless gaya ng dati. “Where?” tanong niya, tinapunan lang ako ng tingin bago bumalik kay Sofia. “To the falls,” sabi ni Sofia, parang siya ang nagdesisyon sa lahat. “You’ll drive us there.” “Fine,” malamig ang tono niya. Great… swimming with my friends… plus Sofia… plus Zed. Kung mahirap na ngang magpaka-komportable sa harap niya sa mansyon, paano pa kaya sa tubig? Kinabukasan, sumakay kami lahat sa SUV. Tahimik ako sa likod habang si Sofia ay animated na nagkukwento tungkol sa falls. Zed was focused on driving, halos walang kibong pinakikinggan lang ang ingay sa likod. Sina Mira, Lani at Jessa, mabilis na naging ka-close si “Ma’am Sofia” na parang matagal na nilang kakilala. Nakakahiya… outing namin ‘to, pero feeling ko ako ‘yung extra dito. Lalo pa at nandyan si Zed na parang bantay-sarado. Pagdating namin, sumalubong agad ang tunog ng lagaslas ng tubig at amoy ng basang lupa. Medyo madulas ang daan pababa, pero dahil gusto ko ring makihalubilo, sumabay ako sa barkada ko na maglakad papalapit sa mismong bagsak ng tubig. Sa isang kubo malapit sa gilid ng talon kami naglatag ng dala naming pagkain. Tumawa-tawa lang kami habang kumakain ng adobo, pritong tilapia, at kanin. Pagkatapos, sabay-sabay kaming lumusong sa malamig na tubig. “Uy, Aya! Picture tayo dito!” sigaw ni Mira. Pumwesto kami sa isang mabatong gilid ng falls, malapit sa malalim na parte. Ang lakas ng hampas ng tubig at parang hinahatak ka pababa. Tumawa ako sa una, pero nung tumalikod ako para bumaba sa mas mababang bato— PAK! Natisod ako dahilan para tumama ang noo ko sa matigas na bato, at bago ko maintindihan, sumubsob na ako sa ilalim ng malakas na agos. Mainit na sakit ang dumapo sa bandang noo. Pilit kong iniangat ang sarili ko, pero bawat galaw, tinutulak ako pababa ng bagsak ng tubig. Kumakabog ang dibdib ko, humahapdi ang lalamunan habang pumapasok ang tubig. Hindi ako makahinga. Pilit kong inabot ang ibabaw pero parang wala na akong lakas. Rinig ko pa ang sigaw ni Mira, pero mabilis itong naging mumunting alingawngaw sa tenga ko. Lumulubog ako ulit, dumidilim ang paligid, at unti-unting nawawala ang tunog. May malamig na hangin na parang humaplos sa pisngi ko. May biglang presyong dumadaganan sa dibdib ko—isa, dalawa, tatlong beses—bago may init na sumakop sa labi ko at hangin na pumasok sa baga ko. “You got this, Aya. You’re fine. Come on, open your eyes,” parang dasal mula sa malabong boses. May tumapik-tapik sa pisngi ko, madiin, parang ayaw akong tuluyang mawala. Muli kong naramdaman ang init sa labi ko—hangin, buhay—at sa isang iglap, sumirit palabas ang tubig mula sa lalamunan ko. Umubo ako nang malakas, para bang galing ako sa ilalim ng lupa at ngayon lang ulit nakalanghap ng hangin. Dahan-dahan akong nagmulat at una kong nakita si Zed—basa mula ulo hanggang paa, ang buhok niya dumidikit sa noo, at ang mga mata… seryosong nakatutok lang sa akin. “Aya! Oh my God, you scared us!” halos sigaw ni Sofia mula sa gilid, nakatakip ang bibig. “Kuya had to revive you! We thought you were… oh my God…” Naririnig ko rin ang mga kaibigan ko na nagkakagulo. “Tumawag na kami ng ambulance!” sigaw ni Jessa habang hawak ang phone. I tried to speak pero puro ubo lang ang lumabas. Ramdam ko pa rin ang bigat ng dibdib ko at ang hapdi sa lalamunan. Zed’s hand was steady on my shoulder. “Don’t talk yet. Just breathe. You’re safe now.” Pero kahit sinasabi niya na safe ako, ramdam ko pa rin ang nanlalambot kong katawan at ang matinding kirot sa ulo ko. At higit sa lahat… ramdam ko ang kakaibang tingin niya—parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan. Sa ospital Pagdating ng ambulance, dinala agad ako sa ospital sa bayan. Nasa emergency room ako nang dumating sina Nanay at Tatay, parehong halata ang takot at kaba. “Aya!” halos sabay nilang tawag, at agad akong niyakap ni Nanay habang nanginginig ang kamay. “Salamat sa Diyos at ligtas ka.” Naroon pa rin si Sofia at ang mga kaibigan ko, lahat tahimik at parang hindi pa rin makapaniwala. “Sorry, Aya… we didn’t see it coming,” bulong ni Mira. Nasa gilid si Zed, tahimik lang, nakahalukipkip, pero hindi inaalis ang tingin sa akin. Nang medyo natahimik ang lahat, lumapit siya at yumuko sa gilid ng kama. “I almost lost you back there,” mahina pero malinaw niyang sabi. Sandali lang ang tingin niya sa akin bago siya bumalik sa likod, pero sapat iyon para maramdaman kong may mabigat siyang iniisip. Pagkatapos ng ilang oras sa ospital at ilang tests para masiguro na minor concussion lang talaga ang natamo ko, pinayagan na akong umuwi. Tahimik ang byahe pabalik sa mansyon. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, habang magkahawak-kamay sina Nanay at Tatay. Ramdam ko ang pag-aalala nila, na nagpapagaan at nagpapabigat sa damdamin ko nang sabay. Ang bigat dahil sa gulong dinulot ko, ang gaan dahil sa pagmamahal nila. Pagdating sa mansyon, dinala ako ni Nanay sa aking maliit na kwarto sa servants’ quarters. Ang mga pader na dati’y parang tahanan, ngayon ay parang kulungan. Kulungan ng mga alaalang hindi ko maintindihan. Nang lumabas si Nanay para kumuha ng hapunan, napaupo ako sa kama. Hinawakan ko ang noo ko. Ramdam ko pa rin ang bahagyang bukol, at ang bawat kirot na nagpapaalala sa akin ng nangyari. Hindi lang ang sakit ang iniisip ko. Iniisip ko ang mga mata ni Sir Zed. Ang takot na nakita ko roon. Ang pag-aalala. Ang “I almost lost you.” Ano ang ibig sabihin noon? Bakit ganoon na lang ang reaksyon niya? Bakit parang masakit sa kanya ang ideya na mawawala ako? Narinig ko ang mahinang katok sa pinto. Si Ma'am Sofia. “Aya,” mahina niyang tawag, at pumasok siya. “Are you okay?” “Opo, Ma’am Sofia,” sagot ko. Umupo siya sa tabi ko. “Drop the ‘Ma’am,’ please. We’re friends, right? Kaya nga I went out with you.” She smiled softly. “I was so scared, Aya. When I saw you fall… and then Kuya Zed dived right after you… I was so scared that something happened to both of you.” “Si… Si Sir Zed po talaga ang sumagip sa akin?” “Of course! Who else? He's a good swimmer. He knows what he’s doing. But he was so worried… I haven’t seen him that worried in a long time. When he was reviving you… his hands were shaking.” Hindi ako makapagsalita. Si Sir Zed na laging kalmado at tahimik. Nanginginig ang kamay niya dahil sa akin. “He told us to leave the hospital. He said we needed to rest. But I saw him talking to your Tatay… he made sure that everything was taken care of. He even asked our mom to talk to the doctor to check up on you more.” “Po?” “Wala lang. He’s just a great kuya, Aya. He’s always been like that. So, don’t worry about anything. Get some rest.” Pero paano ako magpapahinga? Paano ako matutulog kung ang bawat detalye ng nangyari ay bumabalik sa akin? Ang sakit sa noo, ang lamig ng tubig, ang pag-ubo ko, at ang mga mata ni Sir Zed. Kinabukasan, medyo mas maganda na ang pakiramdam ko. Pinilit ako ni Nanay na mag-stay sa kwarto at magpahinga. Ayaw niya akong tumulong muna. Habang nakaupo ako sa bintana, nakarinig ako ng katok. Akala ko si Ma'am Sofia, pero nang buksan ko ang pinto… si Sir Zed. Nakasuot siya ng white shirt, at ang buhok niya ay mukhang bagong ligo. Ang dating tahimik na presensya niya ay ngayon ay parang nagpapabigat sa hangin. Umupo siya sa maliit na upuan malapit sa pinto. “How are you feeling?” tanong niya. “Okay na po, Sir Zed. Maraming salamat po sa ginawa ninyo,” sabi ko, nakayuko. Hindi makatingin ng diretso. “Look at me, Aya,” sabi niya, his voice firm but not angry. Tumunghay ako. Ang mga mata niya nakatutok sa'kin, parang may hinahanap. “Why were you so careless?” “Hindi po. Hindi ko po alam na… madulas doon,” paliwanag ko, at sa boses ko, ramdam ko ang kaba. Huminga siya ng malalim. “I know. I was watching you. But I should have told you to be more careful. It was my fault.” “P-po?” “You are a part of this family, Aya. You’re not just a staff here. You’re a part of us.” Hindi ako makapaniwala. Ang mga salitang “part of this family” ay parang isang matamis na kanta na matagal ko nang hindi naririnig. “Salamat po.” “I’m leaving tomorrow. Back to the city for school. My classes are starting soon,” sabi niya. “Just take care of yourself, Aya. And if you need anything, don’t hesitate to ask.” Lumabas siya at iniwan ako. Iniwan ako na mayroong libo-libong tanong sa isip ko. Bakit siya? Bakit ako? Bakit ngayon? Nang umalis siya, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ito takot. Hindi rin ito simpleng pasasalamat. Ito ay… kakaiba. Isang halo ng kaba at saya, hiya at pag-asa. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na bawal ito. Ang mundong ginagalawan niya ay ang mundo ng Madriaga. Ang mundo ko ay ang maliit na kwarto namin sa servants’ quarters at ang hardin. Pero bakit, sa kabila ng lahat ng rason, hindi ko maalis sa isip ko ang mga mata niya? Ang pag-aalala niya? Ang pagtulo ng luha ko habang pinapaalalahanan ko ang sarili ko na "bawal ito" ay isang sign na... baka mayroon na akong nararamdaman para sa kanya.I crossed my arms habang nakatitig sa traffic. Ilang minuto rin akong tulala, hinayaang lumipas ang oras.Natapos na naman ang isang ordinaryong araw.City lights began to paint my cubicle’s glass window with hues of red, blue, yellow, and green. Kumukutikutitap sila sa blinds, nag-iiwan ng mga aninag sa desk ko—paalala na malapit na ang Pasko.Pero kahit ilang beses ko pa silang panoorin, kahit gaano pa sila kaganda, hindi ko pa rin maramdaman ang papalapit na okasyon. It was one of those days that wasn’t exactly happy, but not entirely sad either. Siguro ganoon na lang talaga ang ikot ng buhay ko.Gumigising ako tuwing umaga para magtrabaho nang maayos, uuwi kapag tapos na. The drive to strive feels permanent—ayoko nang maramdaman ulit ang pagkukulang at pagiging hindi sapat.It was that day when I realized I wasn’t good enough. That I could be better—that I should be.Bawat araw, gusto kong patunayan sa sarili kong sapat ako. I want to feel content. ’Yon ang paniniwala kong paulit-
Huminga ako nang malalim habang lumalabas mula sa private dining room ng isang high-end na hotel sa Makati. The lunch meeting with our new client—a luxury hotel chain—had been a resounding success. Bilang Senior Marketing Manager ng Madriaga Enterprises, isang kompanya na pagmamay-ari ng pamilya ni Zed, kailangan kong siguraduhin na walang sablay, walang kulang. Is it because I was under them, under him? Or was it just me?The contract was sealed with a firm handshake from Mr. Alcantara, the CEO of the chain. His sharp suit matched his sharper smile. "You've truly outdone yourself, Ms. Reyes," sabi niya, with eyes sparkling in approval. "That campaign for the women's shelter was inspiring, and now this. Madriaga Enterprises is lucky to have you."I offered him my professional smile—the one I’d perfected over years of meetings and negotiations. “Thank you, sir. I’m just doing my job. The whole team worked hard on it.”Nang umalis sila, I caught my reflection sa glass wall ng restaurant
Aya — Age 16Mainit ang sikat ng araw nung umagang ’yon—yung tipong kahit hindi ka pa nakakalahating oras sa labas, ramdam mo na agad na parang kumukulo ang batok mo. ’Yung klase ng init na kung wala kang sombrero, puwede ka nang gawing ginataan kung magtatagal ka sa ilalim. Pero ako? Wala akong pakialam. Summer break kasi. Walang school, walang assignments, walang kahit anong kailangan ipasa sa klase. Wala rin masyadong iniisip… bukod sa kung anong ulam mamaya at kung ilang mangga ang kaya kong abutin mula sa puno sa likod ng mansyon bago ako papakin ng mga hantik.Minsan nga, naiisip ko—baka may balat ako sa dila. Hindi yung tipong malas, ha. Yung tipong naiintindihan ako ng halaman. Kasi kapag kinausap ko sila, parang lumalago sila. O baka ako lang ’yon na nagi-imagine."Aya, halika na. Baka mahuli tayo sa pagtutubig ng halaman," tawag ni Tatay mula sa gilid ng hardin."Nandiyan na po!" Sigaw ko habang mabilis na tinatali ang buhok paitaas gamit ang lumang scrunchie na parang naka
Mainit ang hapon, tipong kahit ang hangin ay parang may dalang init mula sa lupa. Sanay naman na ako sa ganitong panahon, pero dito sa mansyon, iba ang pakiramdam. Malawak ang lupa, may mga lumang puno at hardin na parang galing sa mga pahina ng isang magazine. Pero sa likod-bahay, sa may pinaka-dulong parte nito, may isang puno ng mangga na paborito ko.“’Nak, huwag kang aakyat diyan, ha?” boses ni Tatay mula sa gilid ng greenhouse. Naka-yuko siya, may hawak na maliit na pala, nagtatanim ng bagong halaman.“Opo, Tay!” sigaw ko pabalik. Pero sa loob-loob ko, may balak na talaga ako. Hindi naman sa pasaway ako, pero sayang kasi ang mga hinog na mangga na wala namang pumipitas.Summer break naman, at halos araw-araw, tumutulong ako sa trabaho ni Nanay sa loob ng mansyon, at kay Tatay sa hardin. Gusto ko ang ginagawa nila, pero minsan gusto ko ring makahanap ng sariling trip—at ngayong araw na ’to, mango-picking ang napili ko.Kumaway si Mang Tonyo, isa sa mga driver. “Aya, saan ka pupun
Minsan, parang ang bagal ng oras dito sa mansyon. Tipong maririnig mo pa ang tik-tak ng orasan sa kusina kahit nasa kabilang panig ka. Pero ngayong summer break, parang mas ramdam ko ‘yung katahimikan. Hindi lang 'yung katahimikan ng malaking bahay, kundi pati na rin ng mundo ko. Parang sa bawat sandali, may bago akong nararamdaman na nagpapabilis sa bawat paghinga ko. Parang may nagbabago sa loob ko.Maaga pa lang, gising na ako. Pagbukas ko ng bintana sa maliit naming kwarto sa servants’ quarters, sinalubong ako ng amoy ng damong bagong dilig. May mga patak pa ng hamog sa dahon ng santan, kumikislap sa ilalim ng araw. Ang ganda-ganda, parang mga brilyante. Sa kusina, rinig ko na ang boses ni Nanay, abala sa paghahanda ng almusal ni Ma’am Celeste. Normal na umaga. Pero sa loob-loob ko, may kakaiba na. Hindi ko alam kung dahil lang sa sariwang hangin o dahil naaalala ko pa ‘yung nangyari sa ilalim ng puno ng mangga ilang araw na ang nakalipas. ‘Yung kaba, 'yung hiya, at ‘yung... tin
Nasa isang kubo kami malapit sa bahay ng isa naming kaibigan, si Jessa. Tanaw mula rito ang malawak na kapatagan. Hindi ko naman talaga balak sumama, pero matagal nang nag-aaya ang mga kaibigan ko para sa isang outing bago magsimula ulit ang klase.“Sige na sumama ka na, Aya,” sabi ni Lani habang nagbabalot ng pagkain sa mesa namin kanina.“Kami na bahala magpaalam sa nanay mo,” dagdag pa ni Jessa."Oo nga!" Magkasabay na sabi ni Mira at Lani.“Wala namang problema kina Nanay at Tatay,” sagot ko, nakangiti. “Meron kasing pagdiriwang sa mansyon ngayong weekend. Susubukan kong magpaalam mamaya.”Pagdating ko sa kusina ng mansyon, nadatnan ko si Nanay na abala sa paghahanda ng meryenda para sa mga bisita.“Nay,” tawag ko, medyo mahina ang boses.“Ano ‘yon, anak?”“Nag-aya sila Lani na baka po pwedeng mag-outing kami bago magpasukan. Diyan lang po sa malapit na talon sa kabilang bayan,” sabi ko, sinusubukang magmukhang inosente.“Kailan ‘yan?” tanong niya habang nakatingin sa tray ng mga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen