Mainit ang sikat ng araw kahit hindi pa tuluyang sumisikat. Ramdam agad ang lagkit sa batok at pawis sa sentido, at mabigat ang hangin na parang ayaw gumalaw. Pero sanay na ako rito. San Felipe summers always felt this way—sticky and heavy, yet oddly comforting. Nagising ako sa tilaok ng manok, kasabay ng lagitik ng walis-tingting ni Nanay sa labas ng quarters. Mahina siyang kumakanta ng lumang awit habang nagwawalis, at sumisingaw ang amoy ng murang sabon na hinalo sa alikabok. “Aya, gising na. Tulungan mo si Tatay mo sa hardin,” tawag niya, lambing na may kasamang utos. “Opo, Nay.” Mabilis akong bumangon at nagsuot ng lumang shorts at puting t-shirt. Tinali ko ang buhok gamit ang lumang scrunchie, at nakapaa akong lumabas, ramdam ang gaspang ng semento sa ilalim ng talampakan. Sa gilid, nakita ko si Tatay. Pawis na pawis kahit hindi pa mataas ang araw, hawak ang hose at tinatapatan ng tubig ang mga bougainvillea. “Tay, akin na po ’yan,” sabi ko sabay kuha ng hose. Tinapat ko s
Terakhir Diperbarui : 2025-08-11 Baca selengkapnya