Mainit ang sikat ng araw nang dumating si Mia sa community center kinabukasan. Hawak-hawak niya ang sketchpad, nakasuot ng simpleng puting blouse at faded jeans. Walang make-up, walang ayos, pero kakaiba ang glow niya parang mas magaan, mas payapa. Pagpasok niya, nakita niya agad si Liam, abala sa pag-aayos ng mga easel. Pawis na pawis, pero nakangiti. “Good morning,” bati niya, sabay taas ng kape na dala niya. “Para sa ‘yo. Mukhang kailangan mo ‘to.” “Wow,” sagot ni Liam, tumigil sa ginagawa. “Hindi ko in-expect ‘to, Miss Mia. Inaantok na nga ako.” “Tamang-tama,” ngiti ni Mia. “Kape muna bago magpinta.” Habang naupo silang dalawa sa tabi ng bintana, saglit na tumahimik ang paligid. Ang mga bata ay nagsisimula pa lang dumating, may mga tawa at ingay sa labas, pero tila wala silang ibang naririnig kundi ang tibok ng puso sa pagitan ng katahimikan. “Ang saya nilang pakinggan, ‘no?” sabi ni Mia habang pinagmamasdan ang mga batang tumatakbo. “Oo,” sagot ni Liam. “Nakakagaan ng
Terakhir Diperbarui : 2025-11-10 Baca selengkapnya