Mainit ang mga ilaw ng art gallery, kumikislap sa bawat painting na nakasabit sa puting pader. Tahimik, elegante, at puno ng mga taong nagmamasid mga estudyante, artist, at art enthusiast. Sa isang sulok, tumayo si Mia, nakasuot ng simpleng beige dress at may hawak na maliit na clutch bag. Katabi niya si Liam, naka-polo at may dalang brochure ng exhibit.“Hindi pa rin ako nasasanay sa mga ganitong event,” mahina niyang sabi, habang pinagmamasdan ang mga painting na puno ng kulay at emosyon.Ngumiti si Liam, nakatingin sa kanya. “Pero bagay ka dito. You belong in a place full of art… at meaning.”Napatawa si Mia. “Flattery won’t save you kapag late kang pumasok bukas sa center.”“Worth it naman ‘to,” sagot ni Liam, nagbiro, pero may halong lambing sa tono.Sandali silang natahimik. Sa loob ng ilang buwan, marami nang nagbago. Naging mas tahimik ang buhay nila, mas kalmado. Pero kahit gano’n, may mga alaala pa ring minsan bumabalik kapag gabi mga tanong na hindi na kailangang sagutin, m
Last Updated : 2025-11-13 Read more