THIRD PERSON POVBandang alas -nuwebe ng umaga, kinabukasan pagkatapos ng insedente sa gallery ay maingay sa ground floor ng gallery. Hindi yung maingay ng mga bisita at champagne. Maingay ng mga tali, ng mga pulley, ang pagbuhat ng mga estatuwa, the silent curse of those men who did the work. Anim na lalaki. Pawis na pawis. Binababa isa-isa ang mga estatwa na dati ay nakatayo roon sa taas, sa balkonahe. Mga imported. Mga mahal. Mga piraso na pinaghirapan ni Alexander na kunin mula sa iba’t ibang auction sa Europe. Yung “Venus de Milo” replica. Yung “Thinker”. Yung “Apollo”. Ang Michael Angelo, and so on...At yung “David”. O kung ano na lang ang natira dito. Nakatingin ako mula sa di kalayuan , sa tagong bahagi ng mansion.Pinapanood ko kung paano binababa ng mga trabahador ang mga estatwang dati ay titigan mo pa pataas. Dati, pagpasok mo, mararamdaman mo agad yung bigat. Yung tall and mighty. Para kang maliit. Para kang wala. Ngayon, nasa baba na lahat. Nasa eye level
Baca selengkapnya