Pagkatapos ng huling kanta ng "Happy Birthday", pag-ihip ng kandila, at pagpalakpak ng lahat, unti-unting humupa ang ingay sa hardin. Iniwan na ng mga bata ang lamesa at nagsipaglaruan sa inflatables. Naiwan ang mga string lights na kumikislap na ngayon dahil palubog na ang araw.Si Bella ay pagod pero masaya. Karga niya si Amara habang si Alexander naman ay buhat si Elijah na tulog na sa balikat. “Successful,” bulong ni Bella kay Alexander. "Napakasaya ko, mahal ko, worth it ang pagod na makita ko lang na masaya ang mga bata, maging sina Elijah at Amara." Ngumiti lang si Alexander at hinalikan ang noo niya. “Dahil sa’yo ‘yan, mahal ko, congratulations. "At dahil din sa suporta mo, Alex. Excited na akong makita ang family pictures natin. Our family photos and videos, yun din ang mahalaga, the memories of the celebration." Samantala sa pantry ay nag-aayos ng mga natirang pagkain si Mildred o Cherry libre sila ngayon sa pag-aalaga sa kambal dahil personal itong inaalagaan ng ma
اقرأ المزيد