"Gosh Maya, mag tatatlo na ba ang anak mo. So it means sa tuwing buntis ka kawawa sila. Naku naku girl iwasan mo ang ganyang ugali. Wake up at baka iwanan ka ng mga yan. Controlin mo ang yung sarili, nasayo naman yan kapag gusto mo," paliwanag ko."Kaya nga...matagal na naming sinasabi yan sa kanya pero hindi siya nakikinig. Lagi ngang nagsusumbong sa amin sila ate Cecille. Kami nga lagi ang humihingi ng pasensiya sa kanila. Siyempre hindi sila makapag complain sa asawa mo. Knowing them at baka paalisin pa sila kaya hindi na sila nagsalita pa," mahabang paliwanag ni Angel."Kaya nga hindi naman nakikinig sa amin yang babaeng yan, ikaw lang pala ang makakapag patino dito dapat sana noon pa namin sinabi sayo. Kung alam lang sana namin," ika naman ni Sasha."Ang harsh niyo naman sa kanya. Huwag kang mag alala Maya, akong bahala sayo. Sagot kita," mayabang na sabi ni Cheska. Sa sinabi niyang yun sinapak siya ni Jam kaya nagtawanan kaming lahat. Nawala ang drama na kanina ay umuusbong na.
続きを読む