Nagpaalam ako sa kanila at para makabayad na ako. Sinabi ko na aalis na kami pagkabayad ko. Maghihintay na lang sila sa labas. Nagbabayad ako ng mapatingin ako sa labas. Nakita ko na naman ang magkakaibigang baliw.Wala naman yung tatlo, sila Ezrah, Waylen at Zayn lang naman ang magkakasama. Baka may ibang lakad sa isip isip ko. Mabuti na lang at hindi pa naman tumatayo ang dalawa kong kaibigan doon. Nagtatawanan pa lang sila sa kanilang mga upuan.Baka hihintayin pa ata ako, sabagay mas ok na yun kaysa naman sa magkasalubong na naman sila ng grupong yan. Gusto ko ng matahimik ang buhay ko kaya sana huwag ng mag cross pa ang mundo naming lahat.Nang makabayad ako tumingin akong muli sa labas at nakahinga ng hindi ko na sila makita. Ngayon ko lang naiisip itong si Ezrah. Bakit kaya galit na galit ang lalaking ito sa amin? Ayaw niya kaming magkakaibigan, mukhang mas gusto niya ang mga mayayaman."Ma'am ok na po," sabi ng cashier na pinagbayaran ko. Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig
Read more