“Kain ka pa, hon!,” untag pa sa akin ni Irven. “Oh, no— hon, busog na talaga ako— para na ngang puputok na itong suot ko na bodycon dress!,” pigil ko sa kanya ng dinagdagan niya pa ng kanin ang pinggan ko. Unlimited rice kaya naman napadami ako ng kain, gayundin si Irven. Ang saya lang talaga naming kumakain habang nagkakamay. “Namiss ko talaga ang ganitong bonding natin hon,” gusto oo sanang sabihin na namiss ko rin siya ng sobra kaya lang biglang nagring ang kanyang telepono. “Excuse me muna hon, sagutin ko muna ito,” bigla siyang tumayo at naglakad palayo sa akin. Right moment na sanang ilabas ko ang puting envelop na naglalaman ng ultrasound result ng aking pagdadalantao. Ngunit naunsiyame pa. “Sinong tumawag hon?,” tanong ko sa kanya ng makabalik siya sa aking tabi. “Ah—- si mommy hon, pinapapunta ako ng mansiyon,” saad pa nito. “Bakit daw hon?,” hindi ko mapigilang mag-usisa. “Hindi ko rin alam hon, let’s go!,” mabilis ang mga kilos nito na inakay na ako palabas
Last Updated : 2026-05-09 Read more