“Salamat talaga, Manang Weng, ang dami po nating benta!,” untag ko kinahapunan matapos naming makauwi galing sa eskwelahan. “Oo nga, Bel!!! Huwag kang magpasalamat sa akin, ikaw naman talaga ang nagpursiging magnegosyo!,” bulalas pa nito. “Kahit na ho, hindi dahil sa puwesto ninyo sa eskwelahan hindi mabebenta ang mga gawa ko. At dahil diyan, tanggapin ninyo ho itong maliit na pasasalamat ko sa inyo,” sabi ko pa sa kanya sabay abot ng dalawang libo sa kamay niya. “Naku, Bel—- hindi ko matatanggap iyan. Mabuti pa itabi mo na lamang iyan para sa panganganak mo. Mas kailangan mo iyan kaysa sa akin!,” tanggi pa nito na ibinalik sa kamay ko ang pera. “Sige na ho, Manang Weng, may naitatabi pa naman ho ako, huwag ho kayong mag-alala. Para ho talaga iyan sa inyo pambili ng gusto ninyo ho. Nakakahiya na kasi ho talaga, wala man lang akong ambag sa mga gastusin dito sa bahay,” pamimilit ko pa. “Ay sus ang buntis na ito—- huwag ng makulit, basta hindi ko iyan tatanggapin! Itabi muna l
Baca selengkapnya