LOGINIsang ulirang guro si Isabel sa kanyang mga estudyante. Sa edad na 29 ay hindi pa siya nagkakanobyo dahil abala siya sa kanyang propesyon. Ulila na siya at kanyang mga kapatid sa magulang kaya’t bilang panganay ay siya na lang ang maaasahan. Ngunit biglang tumibok ang kanyang pihikang puso sa anak ng presidente ng pinapasukan niyang pribadong kolehiyo. Pinangakuan siya ng walang hanggang pag-ibig. Naging isa nga siyang legal na asawa ng tagapagmana ng malaking group of colleges sa bansa. Irven Lloyd Ledesma is oozing with sex appeal na lahat ng kababaihan ay nabibighani sa taglay nitong kagwapuhan. Pero napakaswerte niya dahil siya ang pinili nito at pinakasalan. Ramdam niya ang pagkadisgusto ng mga magulang ni Irven sa kanya ngunit wala ng naggawa ang mga ito ng mas piliin siya ni Irven. Punong- puno ng kaligayahan at pag-ibig ang kanilang pagsasama. Hanggang sa humalili na si Irven sa ama nito at naging bagong presidente. Pinatigil na rin siya sa pagtuturo ni Irven at mas pinili niyang gampanan ang maging isang ulirang may bahay. Buo ang tiwala niya sa mister at mahal na mahal niya ito. Ngunit sa isang iglap ay gumuho ang lahat ng tiwalang ipinagkaloob niya rito ng matukso ito sa isang batang kolehiyala. Paano niya ipaglalaban ang lalakeng mahal niya kung kusa na itong bumitaw sa kanya? Paano kung madiskubre niyang nagdadalantao na siya ngunit huli na ang lahat dahil ipinagpalit na siya ni Irven? Kaya kaya niyang bumangon muli ng mag-isa na lamang na palalakihin ang kanyang kambal na anak? Paano kung sa isang iglap rin ay magbago ang kapalaran niya at siya na muli ang titingalain ni Irven? Matatanggap niya nga ba muli si Irven sa buhay niya o mas pipiliin niya ang maging malaya at hindi na muli pang masaktan?
View More“I love u my wife, please come back to me!,” pagsumamo sa akin ni Irven na nakaluhod sa aking harapan.
Hindi ko mapigilan ang pangilid ng mga luha ko pero mas pinili ko ang patibayin ang aking kalooban. “Love? Anong alam mo sa pagmamahal? Taksil ka? Pagmamahal ba iyon?,” sumbat ko sa kanya. “I am so sorry!,” hindi na nito napigilang mapahagulhol, kitang- kita ko ang pagbaksak ng kanyang balikat. “Sorry? Anong akala mo isang sorry mo lang mabubura lahat ng kataksilan mo sa akin?,” hiyaw ko at pilit na inaalis ang dalawang kamay niya na nakayakap sa aking mga binti. “Please… maawa ka sa akin, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko!,” hindi pa rin ito maawat sa pakikiusap sa akin pero buo na ang loob ko, hindi na niya ako malilinlang sa paawa niya sa akin. “Awa? You already did leave me, the moment you cheated on me!!! Wala ka ngang awa sa akin, naisip mo lang ba ako ng pumatol ka sa babae mo, wala!! Kaya anong karapatan mong humingi ng awa? kapatawaran? pagmamahal? …. sa akin Irven!!! ,” I said my last blow with rage and contempt. “Isabel… please…!,” tanging namutawi sa bibig ni Irven. “Makakaalis ka na… leave me alone!,” taboy ko sa kanya. “No… no… no… wife? Please give me another chance… promise no more cheating… hindi na ako magpapadala sa tukso bigyan mo lang ako ng isang pagkakataon na ayusin ko itong pagkakamali ko!,,” ang lakas lang talaga ng loob ng lalakeng itong humingi ng second chance. “Chance? Hindi nga kita mapatawad sa kataksilan mo, bibigyan pa kaya kita ng isa pang pagkakataon na saktan ako muli… no way, Irven hindi basta- basta nawawala ang sakit dito sa puso at isip ko.., I don’t think magkakaayos pa tayo, you ruined everything… hindi madali ang hinihiling mo… kaya utang na loob umalis ka na!!,” mahabang litanya ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkapit niya sa aking dalawang binti kaya’t nagmadali akong umatras sa kanya. Sumalampak siya sa sahig. Awang- awa ako sa kanyang hitsura at pagtangis pero hindi niya ako masisisi dahil tulad niya ay lubos din akong nasasaktan. “Bumalik ka na sa babae mo. Tapos na sa atin ang lahat Irven!,” iyon ang huli kong salita sa kanya bago ko siya tinalikuran at mabilis na pumasok sa pinto ng munti naming bahay na magkakapatid. Napakapit ako sa aking dibdib at napasandal sa pinto ng maisarado ko na ito. Hindi ko inaasahan na mauuwi sa ganito ang pag-iibigan namin ni Irven. Siya lang lalakeng pinagkatiwalaan ko ng lubos at buong puso kong pinag-alayan ng aking pagkatao. Pero siya lang pala ang sisira sa akin at sinumpaan naming habang buhay na pagmamahalan. Hindi ko batid kung saan ako nagkamali at ano ang aking pagkukulang. Lahat naman ay ibinigay ko sa kanya. Wala akong itinira para sa aking sarili. Masakit na masakit. Parang hinihiwa ang puso ko sa sobrang sakit. Pinagmukha niya akong tanga. Pinaniwala sa lahat ng kanyang mga pangako. Hindi pa ba ako sapat para sa kanya na kailangan niya pang pumatol sa mas bata at mas seksi sa akin? Pakiramdam ko ay napakababa ko, napakapangit at walang karapatan na mahalin. Isa lang naman akong ulirang asawa, mabait at mapagbigay na kapatid at higit sa lahat isang simpleng babae na gusto lamang pasayahin at iukol ang kanyang buhay sa mga toang mahalaga sa kanya. I gave up everything in the name of love. Tinalikuran ko lahat para sa pagmamahal ko kay Irven. I let him chase and reach for his dreams. I supported him in all his endeavors. I played the untiring, loving and submissive better half but now I became his betrayed wife. Ako si Isabel Mendez naniwala, umasa at nagmahal ng totoo. Pero sa huli niloko at sinaktan. Makakabangon pa kaya akong muli at makakabawi sa pagiging the Billionaire’s Betrayed Wife?“Siyanga pala, uuwi dito ang pamangkin ko sa susunod na linggo. Mabuti na rin iyon para may makakasama tayo rito,” pahayag ni Manang Weng habang nag-aalmusal kami isang umaga. “Hindi ho ninyo nabanggit na may pamangkin pa pala kayo,” tugon ko rin. “Hindi ka naman nagtanong eh,— hindi bale, tiyak na magkakasundo kayo ‘nun, mabait din iyon at simpatiko—!,” malapad na ngiti ang sumilay sa labi niya ako Manang Weng habang nagkukuwento. “Simpatiko? Lalake ho ang pamangkin n’yo?,” may konting gulat na tanong ko. “Oo, Bel—- bakit gulat na gulat ka diyan? Huwag kang mag-alala, hindi manloloko si Eric tulad ng salawahan mong mister at isa pa huwag mo sanang isipin na lahat ng lalake ay parepareho dahil may natitira pa ring mababait tulad ng pamangkin ko,” mahabang paliwanag at pagtatanggol ni Manang Weng sa tinutukoy nitong pamangkin. “Hala si Manang, ang dami namang sinabi. Siyempre nagulat lang ako. Hindi ko kasi inaasahn na may kapamilya pa ho kayo maliban sa bunso ninyong kapatid
“Salamat talaga, Manang Weng, ang dami po nating benta!,” untag ko kinahapunan matapos naming makauwi galing sa eskwelahan. “Oo nga, Bel!!! Huwag kang magpasalamat sa akin, ikaw naman talaga ang nagpursiging magnegosyo!,” bulalas pa nito. “Kahit na ho, hindi dahil sa puwesto ninyo sa eskwelahan hindi mabebenta ang mga gawa ko. At dahil diyan, tanggapin ninyo ho itong maliit na pasasalamat ko sa inyo,” sabi ko pa sa kanya sabay abot ng dalawang libo sa kamay niya. “Naku, Bel—- hindi ko matatanggap iyan. Mabuti pa itabi mo na lamang iyan para sa panganganak mo. Mas kailangan mo iyan kaysa sa akin!,” tanggi pa nito na ibinalik sa kamay ko ang pera. “Sige na ho, Manang Weng, may naitatabi pa naman ho ako, huwag ho kayong mag-alala. Para ho talaga iyan sa inyo pambili ng gusto ninyo ho. Nakakahiya na kasi ho talaga, wala man lang akong ambag sa mga gastusin dito sa bahay,” pamimilit ko pa. “Ay sus ang buntis na ito—- huwag ng makulit, basta hindi ko iyan tatanggapin! Itabi muna l
“Bel, bakit hindi ka pa natutulog? Aba’y hatinggabi na, makakasama sa baby mo ang pagpupuyat!,” nag-alalang bulalas sa akin ni Manang Weng nang maabutan niya ako sa sala na nag-aayos ng mga orders na flower bouquets. “Ngayon lang naman to, Manang Weng. Ayaw ko kasi mapahiya tayo sa mga magulang na umorder sa atin para sa mga teachers ng mga anak nila,” turan ko pa sa butihing matanda. “Sigurado akong masasayahan ang mga teachers na makakatanggap ng mga fuzzy wire bouquet na gawa mo, Bel!,” may pagmamalaki na saad naman nito sa akin. “Sana nga ho, Manang Weng. Excited na nga ho ako para bukas. Sana maubos lahat ng iba ko pang ginawa,” may pag- alala ko pang sabi. “Haist—- sigurado akong ubos ang lahat ng mga iyan, Bel. Sa ngayon, matulog na tayo para maaga nating maihatid ang mga ito sa tindahan,” kumbinsi pa sa akin ni Manang Weng. “Sige ho, Manang Weng. Lalagyan ko lang ng ribbon itong isa at papasok na ho ako sa kuwarto,” huli kong sabi sa kanya bago siya pumasok sa kanyan
HIS POV WARNING RATED SPG! READ ⚠️ AT YOUR OWN RISK ⛔️!!! “Hindi mo ako mahal Isabel, kung mahal mo ako bakit bigla ka na lang nawala na parang bula!,” wika ko sa kawalan habang nakamasid sa labas ng glass wall na halos matatayog na mga gusali ang makikita sa labas. Binaling ko ang aking paningin sa babaeng mahimbing pa ring natutulog sa couch. Napangiti ako ng bahagya na hindi umabot sa aking puso. Wala na ang init sa aking sistema at katinuan na lang ang naiwan. “Yeah—- I get it!!!! Bakit nga ba hinahanap pa kita Isabel? Mommy is right, wala kang kwentang babae—- you can’t give me a child!! Olivia is my life right now, she is here! Hindi siya umalis at pinapaligaya niya ako parati!,” humithit ako ng sigarilyo habang nakatanaw pa rin sa labas na nakatapis pa rin ng tuwalya ang ibabang parte ng aking katawan. Hindi ko napaglaban ang tukso dahil na rin sa kawalang- gana ko kay Isabel na nakalimutan ng ayusin ang sarili. She is dull and lifeless in bed. Akala ko noong una ay hi
“Ate, ang baho muna, maligo ka na nga!,” angal sa akin ni Nica matapos kong magluto ng mga putaheng ihahain ko mamaya sa surprise anniversary dinner date namin ni Irven. “Oo mamaya na, tatapusin ko munang linisin ang mga kalat ko rito,” saad ko pa sa bunsong kapatid. “Hay, naku, ate… ako na baha
“Wow!!!— ang ganda naman ng naggawa nating set- up, ate!,” hiyaw pa ni Nica matapos namin ayusin ang mga balloons sa may parte ng hardin. Dito ko naisipang e- set ang intimate dinner date namin ni Irven bukas ng gabi. Siguro naman ay nakauwi na rin ito mula sa Cebu. Mula kasi kaninang umaga na uma
“Hello, mom—-,” she cut me short immediately. “Where is Irven? Kanina pa kaming naghihintay sa kanya dito sa airport, his dad is so furious! Hindi mo siguro inaasikaso ng mabuti ang asawa mo kung kaya’t palagi na lang nahuhuli sa mga business meetings and other gatherings ng kumpanya!!,” galit at
“Oi, ate, huwag ka ng malungkot, I am sure may supresa sa iyo si kuya Irven pagbalik niya,” pukaw sa akin ni Nica dahil saglit akong napa-isip. “Haist… iyon na nga bunso, gusto kong supresahin ang kuya mo para maiba naman… buti pa kaya tulungan mo ako!,” untag ko kay Nica. “Ai bet ko iyan ate!!!






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.