“Kumusta ang tulog mo, Bel?,” kinaumagahang bati sa akin ni Manang Weng kararating lang nito mula sa palengke. “Magaan na ho ang pakiramdam ko Manang Weng, salamat ho sa inyo!,” saad ko pa sa kanya na tinulungan na siya sa pag-aayos ng mga gulay , isda, at karne na pinamili niya. “Naku, wala iyon! Kumain ka na ba? May pagkain ng nakahain sa mesa, tinakpan ko lang—- masarap pa kasi ang tulog mo kanina, hindi na kita ginising!,” bulalas pa nito. “Wala pa nga ho, kagigising ko lang ho nang dumating kayo—- ah, eh— Manang Weng, sana nagpasabi kayong mamalengke, sana man lang nag- ambag ako sa mga naggasto n’yo,” turan ko pa. “Naku, huwag mo ng intindihin iyon—- may pera pa naman ako! Itabi mo na iyang pera mo baka kasi kakailanganin mo iyan sa mga darating na mga araw—— halika na nga, sabay na tayong kumain, hindi pa ako nag- almusal—- gusto mo ng kape?,” natutuwa ako kay Manang Weng sa concern at paraan ng pag-istema niya sa akin. Para siyang ate kung umasta sa akin. Ang sarap p
Last Updated : 2026-06-09 Read more