Nakaupo si Blair sa desk niya, hati ang atensyon sa trabaho at sa cellphone. Kahit abala siRoman sa mga meeting buong araw, ilang beses niyang nahuli itong nakatingin sa kanya mulasa likod ng glass wall na naghihiwalay sa kanilang mga opisina.Pinapahalagahan niya ang pag-aalala ni Roman. Ngunit kahit sana minsan, umaasa siyang titigilito sa pag-o-overthink.“Blair, punta ka rito sa office ko,” tawag ni Roman mula sa loob.Tumayo siya, inayos ang palda, at pumasok. Pagkasara pa lang ng pinto, agad siyang hinila niRoman para sa isang mahigpit na yakap. “May balita na ba kay Sutton?”“Wala pa, bukod dun sa text niya.” Umusog si Blair nang mas malapit, isinandal ang ulo sadibdib ni Roman at huminga nang malalim. “Sinusubukan kong respetuhin ang desisyon niyangmapag-isa. Pero... ang hirap pala.”“I know. Pero minsan, kailangan talagang harapin ang isa ang problema niya.”“Ganyan din ang sinabi ni Keira. Sabi nya, huwag daw akong makialam.”“Ibang klase talaga ang bunso niyo. Nakakat
Huling Na-update : 2025-11-11 Magbasa pa