Hindi na maalala ni Sutton ang buong biyahe mula airport papuntang taxi. Wala naman siyangjetlag, at sa katunayan, kung mayroon sana ay nakatulong na ito para makalimutan niya angmalalim na iniisip.Sa loob ng taxi, pinagmasdan niya ang patak ng ulan na tumatama sa bintana. Para bangsinasabayan pa ng panahon sa New York ang damdamin niya.Huminga si Sutton ng malalim. Kung may ipagpapasalamat siya, iyon ay ang pananahimik ng taxidriver. Wala narin kasi siyang lakas na makipag-usap pa, at baka kapag nagtanong ito ay maiyakpa siya. Masakit ang kaniyang ulo, naninigas ang likuran, at umaalon ang sikmura sa bawatlubak na dinadaanan. Hindi naman siguro morning sickness ang tawag rito. Baka nga pagod langtalaga siya sa lahat – sa buhay.Pagdating ng taxi sa tapat ng gusali nina Blair, Dan, at Laura, hindi kaagad nakagalaw si Sutton.Sa halip, tinitigan lang niya ang lugar.Hindi pa siya nakakapunta rito, pero alam niya address.‘This place, New York and all… seemed like places in my
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-21 อ่านเพิ่มเติม