Absent talaga si Troy at di nagpakita sa event. Medyo nalungkot tuloy si Mira dahil hindi niya nakita ang kanyang boss at ultimate crush. Tahimik siya buong event at nakikinig lang sa daddy nito. Infairness talagang namana ni Troy ang pagkakisig ng daddy nito. Natapos ang event at successful naman ito. Habang palabas na ng function hall si Mira bigla siyang tinawag ni Gerlie. "Mira, hoy pahintay naman. Pauwi ka na ba?" tanong nito sa kanya. "Oo e, ikaw ba?" tanong ni Mira kay Gerlie na hinihingal kakahabol sa kanya. "Hindi pa gusto mo bang sumama at magcelebrate muna tayo?" yakag nito sa kanya kaso nag dadalawang isip siya kung sasama ba. "Tingnan ko--" natigilan ang sasabihin niya ng marinig ang sinabi nito. "Ayaw mo talaga, Mira? Balita ko invited pa naman si Sir Go." sagot nito. Parang biglang kumislap ang mga mata ni Mira. "Sir Go as in si Troy? Talaga ba? Paano niyo napapayag na sumama sainyo. Balita ko suplado iyong tao na iyon. Nakaka stress ngang boss iyon. Alam
อ่านเพิ่มเติม