"Siya si Rudy Caiton, congressman sa Bulacan. Mayaman ang pamilya nito at kinakakatakutan. Ama niyang sinipa mo, mukhang napuruhan yata bro. Mahirap maging kalaban yan dude," ika ni Peter na nangingilabot na sumagot."Nakapag ensayo na ba kayong lahat," kako sa kanila. Napatingin sila sa akin at nanlalaki ang mga mata bago sumagot."Oh, please dude...Nahihilo ako at baka wala akong matamaan baka masuntok nila ang gwapo kong mukha. Huwag naman please," ani Zayn na akala mo bakla kung umasta."Anak niya ba yung mayabang na humaplos haplos sa baywang ni Jam," hindi ko pinansin si Zayn at binalik sa lalaking tinatayo nila ang aking pansin."Yes absolutely! Mag ama sila kaya pareho ang ugali," sagot naman ni Ezrah habang nakatingin sa mag ama. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang anak, halatang baby na baby ang anak nito kung ituring. "Napaka papa's boy naman ng lalaking yan. Kakahiya halos umiyak na sa pagsumbong sa kanyang ama," ika naman na nangingilabot itong si Peter."I haven't
Last Updated : 2025-11-05 Read more