Paglapit ko para buksan ang pinto ng kotse, agad siyang tumanggi. “I have my car,” matipid ngunit matigas na sabi ni Fin.Napakurap ako, bahagyang nagulat sa pagiging diretso niya. "I just thought it would be more efficient if we went together," sabi ko, sinubukang magmukhang casual sa kabila ng nararamdaman kong tensyon.“I appreciate the thought, Mr. Montegrande,” sagot niya nang walang pagbabago sa tono, “but I prefer driving myself.”Napalunok ako, pilit na tinatago ang iritasyon. Professional pa rin siya, pero ramdam kong may invisible wall sa pagitan namin — isang bagay na hindi madaling mabasag. "Alright, see you at the site then," sagot ko na lang, pilit pinapanatili ang pormalidad.Naglakad siya pabalik sa sarili niyang sasakyan, hindi man lang lumingon. Napangisi ako nang bahagya habang sinundan siya ng tingin. Fin may be distant now, but this isn’t over. I'll break through that wall — one way or another.Umandar na ang sasakyan
Last Updated : 2025-10-16 Read more