"Tsa nga pala," panimula niya, "nakwento ni Tita na masama raw pakiramdam mo kanina. Tapos ngayon bigla kang blooming? Hmmm..." sabay taas ng kilay niya na parang may tinutuklas. Napasimangot ako at nagkibit-balikat. "Wala 'yun. Siguro stress lang, kaya nag-decide ako na lumabas para ma-relieve." "Stress? Or Caleb-stress relief?" natatawa niyang hirit, halatang hindi pa rin tapos sa pangungulit. "Reese, seryoso ka ba? Hindi lahat ng bagay tungkol kay Caleb," sagot ko, kahit alam kong halatang-halata sa mukha ko ang pagtanggi. "Hindi raw, eh kanina pa ganyang ngiti mo, parang kinilig ng bonggang-bongga." Tumawa siya nang malakas. "Hay nako, Elara. Kung masama nga pakiramdam mo kanina, effective pala talaga 'yung date remedy ni Caleb." "Ang kulit mo," sabi ko, sabay hampas ng unan sa kaniya. "Uy, pero seryoso," biglang naging mas malumanay
Terakhir Diperbarui : 2025-12-13 Baca selengkapnya