Pagak na natawa si Argus sa sinabi ni Morgan. "Tell me, what is your requirement for a joke, Morgan? Noon tinanong kita kung bakit mo papakasalan si Yelena, hindi mo ako sinagot. Pagkatapos ng kasal, tinanong kita ulit, bakit mo siya pinakasalan? Pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring sagot. Tapos nagpa-billboard na ako't dineklara sa mundo na husband niya ako, iniisip mo joke lang iyon?""Argus, tama na. Let me handle this, okay?" awat ni Yelena at kinabig paalis sa daraanan ang lalaki.Naghihimagsik ang titig ni Argus sa kaniya pero hindi siya nagpatinag at matapang na hinarap muli si Morgan."You're making a fuss with my pure friendship affair with Gerald? Ipaintindi mo nga sa akin, on what grounds na kailangan kong magpaliwanag sa iyo?"Parang hindi yata alam ni Morgan na mula nang ikasal sila ay hindi naman normal ang relasyon nila bilang mag-asawa. Hindi sila natutulog sa iisang kwarto at hindi siya nito ginagalaw. Higit sa lahat, hindi naman ito nagsasabi ng aktibidad kasama si
Last Updated : 2025-12-28 Read more