"Lola, kanina ka pa po ba?" tanong ni Yelena na agad dinaluhan si Lola Ale na kanina pa naghihintay sa waiting area ng hospital. "Mga kalahating oras pa, dinalhan kita ng pagkain. Nasabi ni Argus na hindi ka gaanong kumakain nitong mga nakaraang araw." "Umiiwas lang po ako sa mamantikang mga pagkain, Lola, hindi rin kasi makabubuti sa pagbubuntis ko.""Nag-lunch ka na ba?" "Hindi pa po, saluhan nýo na ako." Inakay niya patungo sa loob ng kaniyang opisina ang matandang babae, siya na rin ang nagbitbit ng food basket. "Amoy pa lang, ang sasarap na," aniyang nakangiti."Pasado alas dos na hindi ka pa nagtanghalian?" "Marami po akong pasyente kanina, Lola. Sanay na po akong unahin muna sila, nag-snacks naman po ako. Heavy snacks po iyon." Ngumiti si Yelena."Naku, wag mong sanayin iyang sikmura na nalilipasan ng gutom ngayong buntis ka. Hindi maganda iyan sa kalusugan mo.""Opo, Lola." Nilapag niya sa coffee table ang basket at tinulungan siya ni Lola Ale na ihain ang mga pagkain. Bla
Read more