"Argus, kailangan mo akong pakinggan!" hiyaw ni Madam Eleanor. "Alright, then. Speak!" ungol ni Argus at itinuro kay Brian ang emergency exit na wala pang tauhan na nakabantay."Magsalita ka, Ruby!" utos ng matandang babae.Kahit natatakot pero nagsalita ang babae. "Doc Yena, don't blame me for telling the truth, pero wala ka po kakayahang i-develop ang gamot. Ang gamot na iyon ay lubhang napaka-komplikado." "Ruby, kung wala kang matibay na ebidensya ay tumahimik ka na lang," sabat ni Dr. Robin. "Hindi mo kilala si Doc Yena." "Hayaan mo siya," pakli ni Argus. "Go on. Anyway, everyone in the laboratory who doubted Yelena's strength will be expelled and sent to jail afterwards if you can't support your accusations against her.""Naniniwala ako kay Ruby, ilang taon lang bang nag-aral si Yelena ng medisina? Hindi pa sapat ang karanasan at ang kakayahan niya!" Muling nagsalita si Madam Eleanor."Madam, iyang si Ruby lang ang hindi kumbinsido sa kakayahan ni Yelena. Kaming mga lalaking
Read More